Wednesday, May 7, 2014

Feeling Papa Jack

Paano magmahal gamit ang limang simpleng paraan?

1. Mahalin mo ang Diyos mo.
Panatilihin ang matibay na pundasyon sa Diyos. Anumang relihiyon ang meron kayo basta tandaan niyo palaging may Diyos at galangin niyo siya. Magsimba o di kaya'y magdasal ng sabay. Humingi parati ng pasasalamat sa kanya sa relasyong ipinagkaloob niya sa iyo. Huwag mo siyang kalilimutan. Aminin na natin na kadalasan kapag may dyowa ka na e limot na bigla ang pagsisimba kay Lord makasama lamang ang dyowa. Huwag ganun. Di'ba nung wala ka pang dyowa e parati ka rin namang humihiling ng maayos na dyowa kay Lord. Isama natin si Lord parati. Matuto kang magtiwala sa kanya.

2. Mahalin mo ang sarili mo.
Ayusin mo ang iyong sarili. Pisikal. Emosyonal. Ispiritwal. Pinansyal. Ibalanse mo lahat ng aspeto. Para kapag nabigo ka e maayos ya parin. Wag kang magmamahal ng hindi ka maayos o yung tipong aayusin ka pa ng susunod na magmamahal sa iyo. Oras na umasa kang may ibang aayos sayo, maaring iwanan ka ng taong umayos na sa iyo or may makita kang iba kapag maayos ka na. O di kaya'y magsawa ang taong pilit kang inaayos. Basta, bottom line, wag mag papaayos sa iba, kasi pag iniwan ka muli, wasak ka naman at di mo pa din alam ayusin ang sarili mo.

3. Mahalin mo ang pamilya mo.
Huwag mong kalilimutang may pamilya kang tunay at lubos na nagmamahal sa iyo bago mo pa makilala ang irog mo. Huwag mo silang kalilimutan dahil masaya ka na. Bagkus, isama mo ang pamilya mo sa pagmamahalan ninyo. Para may pundasyon. Iyon nga lang, may downside ito kung maghiwalay kayo kasi hahanap hanapin siya sa inyo. Pero pakatandaan na ang pinakamahalagang pagmamahal parin ay ang ang pagmamahal ng pamilya. Sila ang daramay sa iyo ano man ang kahinatnatan ng relasyon mo. *Maaring isama na sa depinisyon ng pamilya ang matatalik na kaibigan*

4. Matutong makinig at umunawa.
Ika nga e two-way palagi ang relasyon. Huwag magpataasan ng ihi. Ayusin ang problema bago pa man lumubog ang araw. Iwasan ang palagiang pag-'nag' sa isa't isa. Isipin palagi na hindi na puro 'ako' ang relasyon kung hindi 'tayo'.

5. Matutong magparaya.
Maari itong gamitin sa iba't ibang paraan. 
Una, sa pagdedesisisyon ninyong dalawa. Di palaging si 'ikaw' o si 'siya' ang masusunod. Dapat maging patas at magparaya sa mga desisyon na tatahakin ninyong dalawa bilang kayo ngayon ay iisa na.
Pangalawa, Pagpaparaya sa paraang pamamaalam sa relasyon. Bagamat naniniwala ako sa kasabihang 'Breaking up should never be an option'. Minsan may exceptions padin. Kahit na gaano mo kamahal ang isang tao, may pagkakataong kailangan itong gawin upang isalba ang pagkatao ninyong dalawa. Magparaya lalo na kung di na kayang ayusin. Huwag ng pilitin. 

Pakatandaan na nariyan ang Diyos at Pamilya mo parati sa Sarili mo! Kaya nga nauna ang tatlong iyan sa mga dapat mong mahalin! Napakahalaga nila upang magsimulang muli. Upang buuin ang sarili.

Cheers!

Thursday, May 1, 2014

P-B



1130H

'It was nice spending the night with you' P said while looking at B straight to his eyes. 

B's face formed a smile. It was ages when he gave a sincere one to someone.

'Why are you smiling?' P asked while their fingers played along. Rolling. Feeling each others hand. Feeling every inch of it.

B longed for this moment. To be intimate again with someone. To feel excited and ecstatic at the same time. 

'Will you run away with me if I asked you?' B asked. 

P's face brightened and gave B a soft kiss, first in his forehead, next on the tip of his nose and lastly on his lips. 

'I won't run with you B, you might run to fast and leave me far behind. Or it may be the other way around'
B was about to say something when P interrupted-

'I will never run away with you. Instead I will stay beside you. Remind you that running isn't always the thing we need in life. I'll walk beside you. Plan with you. And in case you still want to run away so fast that I can't keep up. I'll take the car with me and speed up to where you're headed. There, you'll see me waiting for you again at the end'

Saturday, April 5, 2014

A Letter to Life



Dear Life,

You have been hard on me for the past months and years. Your surprises were sometimes harsh and extraordinary. Your unexpected story line was even better than those of the nightly soap operas shown on TV. But yet, let me remind you, Life, that I am not a quitter. In fact, I find your everyday surprises a challenge and a maze I need to get out to. Things may be a lot different now, but it doesn’t mean that it’s the end of it. Lastly, let me remind you, Life that your obstacles may be bigger than me, but my God is bigger than anything in this world. By the way; he’s just beside me all the time. I know he’ll never leave me. So bring it on Life.

Awaiting for your next surprise,
Onlychild

Friday, March 28, 2014

Nagmumurang Kamias

Kamakailan lamang e wala sa utak ko ang pakikipagrelasyon. Wala pa rin naman siya hanggang ngayon. Pero bakit ganun, mukha akong tanga. Bigla akong kinikilig sa tuwing kausap ka. Dati naman ay deadma lang kita, pero ngayon, ewan, para akong PBB teens na napapangiti habang kausap ka. Napapansin na nga ng mga kaibigan ko na panay raw ata ang hawak ko sa cellphone ko ngayon. At nag-effort pa akong magregister sa unlimited service ng globe para sayo. Bakit ba?! E sa natutuwa ako bigla.

Me: Pauwi palang ako.
Him: Ingat hubby ko..
Me: Hehe salamat dear
  
Ang tagal rin nitong wala a.
Ang tagal ko ring hindi kinilig.
Fumi-feeling bata.
*ngising aso*
: )

PS
Dahil wala na akong sosyal na telepono e di makapag-screenshot ng usap namin. Hihi. *kilig*

Friday, March 21, 2014

Sleepless Thoughts 3

Today it felt like the reality has been slapped on my face several times. I want to break down and cry. I want an end to this. I want to vanish.
 
A delayed reaction on what is happening right now. Help me. 

I feel so alone and confused. I am afraid of what will tomorrow bring. I am uncertain if I can still continue my profession. I am not sure if anyone can accept me with my condition right now. 

Where did all the emotions came from? I don't know. It must have been suppressed since January. The famous rash was another culprit. Though according to Local Statistics, 58% of those taking the medication experienced the famous rash, I was praying it won't happen to me, but it did. And because of it, I will be starting on a different combination now. The combination I feared due to its effects. Dizziness, depression, vivid dreams. Most say that the first few months will be a living disaster. Most were not even able to function properly at work. This shouldn't happen. My profession calls for my sound judgement. I am working on a shifting schedule for God's sake. I am handling lives of sick people.

I just feel helpless right now. I wish I have someone to lean on. Someone who'll just stay beside me right now while I wait for the effects of my new medication to kick in. Someone who'll hug me tight while I have my vivid dreams.

Unfortunately, there is no one. 

PS
I already emailed ex last week that I have something to tell him. And if he isn't available, we can just exchange emails instead. He agreed on the latter. I haven't sent him a new mail. I don't think I can do it right now. Not when depression is easily triggered by my new medication. I'll get back to him soon once I have adjusted.

Cheers.

Monday, March 17, 2014

Laro ng Tadhana

(Ang lathang ito ay sinulat ko noong Pebrero2014)



Bata pa lang ako ng basahin ang kapalaran ko ng kapitbahay naming manghuhula. Batid niya na mapalad raw ako sapagkat hugis diyamante ang nakikita niya sa aking palad. Maganda raw ang hinaharap ko, subalit ang tanging habilin niya ay matutunan kong kontrolin ang aking emosyon. Partikular niyang tinukoy ang Galit at Poot na sadyang masama para sa akin. Maaari raw akong makagawa ng di kanaisnais na bagay.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo. Ilang araw pa lamang matapos ang board exams namin ay nakahanap na ako ng trabaho. Guminhawa ang buhay namin noon dahil narin sa laki ng sinasahod ko. Dito ko nakilala ang unang lalaking naging parte ng buhay ko. Kilala ako ng pamilya niya. Madalas nga ay doon na ako umuuwi sa kanila at naiiwanan kong magisa ang aking nanay sa bahay. Ngunit tulad ng nakararami sa mga relasyon, ang aming kuwento ay naputol. Tatlong taon ako noon sa kompanyang unang bumuhay sa akin. Tatlong taon rin kami ng unang lalaki sa buhay ko. 

Inudyok ako ng aking matalik na babaeng kaibigan na magbalik loob sa propesyon ko. Tinulungan niya akong makapagtraining sa ospital. Bilang matalik na kaibigan mula noong hayskul, pinangakuan ako ng kaniyang ama na tutulungang makapag-nars. Makalipas ang mahigit walong buwang walang trabaho, nakapasok ako sa isa sa mga pampublikong ospital sa siyudad. Ang sahod, 'di man kasing taas ng sa nauna kong trabaho, pero mapagtitiyagaan na. 

Sa panahong ito ko nakilala ang pangalawang lalakeng naging parte ng buhay ko. Nagkakilala kami sa isang sikat na online website para sa mga tulad ko. Nagpangakuan na di kailanman maghihiwalay. Nagsimulang magplano para sa aming kinabukasan. Ngunit nagising na lamang ako isang araw na may kaulayaw na siyang iba. Ipinaglaban ko ang aming relasyon ngunit ako rin ang napagod ng 'di ko maintindihan ang takbo ng utak niya. Mahal niya raw ako ngunit di niya maiwan ang bago niya. Ako na mismo ang lumayo at nagparaya. 

Pinilit kong ayusin ang buhay ko ng nawala siya. Aaminin kong isa akong hamak na basahan na walang pakinabang nung ako'y kaniyang iniwan. Walang direksyon, walang patutunguhan. Sa tulong ng aking mga kaibigan ay napagdesisyunan kong mangibang bayan. Tutal, sobra sobra pa ang experience ko sa kinakailangan ng mga employer kaya kumpyansa akong matatanggap. Sabi ko nga, kung noong 2012 at 2013 ay naging napakagulo ng aking buhay, ngayong 2014 ay magbabago ang lahat.

Enero ng taong ito, naglakas loob ako na magpasuri. Uunahan ko na ang embassy at aalamin kung ayos ang aking pangangatawan. Ikatlong linggo ng Enero, bandang alas-nuebe ng gabi, matapos ang mahigit tatlumpung minutong pagantay ay nalaman ko ang resulta na babago na naman sa aking buhay.

Reactive.

Hindi ako umiyak. Bagkus, sigarilyo ang una kong hinanap. Putragis na yan. Reactive ako. At ayon sa statistics ay lahat ng reactive ay positive. Kinlaro ko ito sa kausap kong doktor. Ang tanging tugon niya sa akin ay 

'parehas tayong asa linya ng healthcare, di na ako magsisinungaling. ayokong magbigay ng false hopes pero kapag reactive, ibig sabihin na rin ay positive'

Ngayon, ang tanong ko ay bakit ganoon? Kung kailan inaayos ko na ang buhay ko. Kung kailan umasa akong magiging iba ang 2014. Bakit sa unang buwan pa lamang ay ganito na ang balita. Asan na ang hula na maswerte raw ako. Naglaho na lamang ba bigla?



Sunday, March 16, 2014

Sleepless Thoughts 2

I can't sleep. My mind is clouded with things that I am not fully aware of. Until one thought suddenly emerged out of the darkness causing me to light up a stick of cigar to drown my self to solitude.

'Je t'aime encore'

Shit.