Mahigit isang linggo na ang nakalilipas mula ng ako ay ipadala sa Tacloban. Isang misyong walang kaabog abog na aking tinanggap sa kabila ng aking hectic na schedule. Kung sabagay, wala naman akong ibang choice kundi pumunta. Kasama ito sa aking dagdag trabaho. Responsibilidad ko ito bilang isang bahagi ng Emergency Response ng Kawani ng Kalusugan.
Alam kong madaming naantig sa mga balita na napapanood sa telebisyon. Maraming naluha sa bawat kwento at litrato na kanilang nakikita. Pero ako na mismo ang magsasabi sa inyo, iba kapag ikaw na ang nasa Tacloban. Para kang nasa Silent Hill o di kaya'y Walking Dead.
|
Tacloban Airport. Too bad there's no proper command system for the first few days. |
|
Welcome to the Booming City of Tacloban. |
|
Aerial View of Tacloban | | | | |
|
|
|
Provincial Capitol of Leyte is still standing strong. Though debris of destroyed establishments are seen around the building. FYI: This building used to be the Malacanang Palace way back 1940's |
|
Yes, it's true! Dead people are still everywhere. Lying around the street side or just at any corner. |
Siguro, mga Day 3 or 4 kami pagkatapos ng bagyo dumating sa Tacloban. Isa ang team namin sa mga naunang pinadala. Lingid sa kaalaman ng mga nakararami, ang unang team na ipapadala ang sasalo ng pinakamabigat na trabaho. At iyon nga ang dinatnan namin.
Sa katunayan, dalawang beses na nacancel ang departure date namin. Dapat ay Sabado pa lamang ay naroon na kami. Nakakatawa mang isipin pero nadelay ang aming pagalis ng dahil sa C130. Oo. Mismong ang Health Team ng Kagawaran ng Kalusugan ay di binigyang priority na sumakay sa C130. E kung si Sec. Dinky Soliman nga ay bumubula ang bibig dahil maski siya ay tinanggal sa listahan ng mga sasakay roon. Hay. Nakakatawa talaga ang National Government natin.
|
Hindi ito C130. Isa ito sa mga Military Plane ng Estados Unidos. Bumibiyahe ito oras oras para ilabas ang mga tao palabas ng Tacloban patungong Cebu. |
|
|
Tatlong araw. Tatlong araw kaming walang pagkain at inumin. Bakit? Nakakalungkot isipin na ang mismong package ng Kawani ng Kalusugan ay nawala. Nabuhay kami sa paginom mula sa mga buko na nakikitang nakakalat sa paligid. Pinagtiyagaan naming magbigay ng lunas sa mga naroon ng walang laman ang tiyan. Tanging tawa at biruan na lamang ang aming ginawa. Dumating naman ang package namin, siguro mga dalawang araw bago kami umalis. Ang masakit nito ay bukas na ang aming mga kahon. Nabawasan ang laman. Nawawala ang mga laman. Di namin alam kung sino ang sisisihin sa mga nangyari. Kung nakanino ang kakulangan. Hayaan na lamang natin. Nakaraos naman kami.
|
Isang bagong panganak na sanggol. Walang kamuwangmuwang sa nangyaring delubyo. |
Sa kabila ng bagyong dumating, parang bagyo rin naman ang dating ng mga bagong paslit sa amin. Humigit kumulang sampu hanggang labinlimang bata ang ipinapanganak sa lugar bawat araw sa aming kinalalagyan. Walang nursery o di kaya'y kuryente upang magsilbing warmer para sa kanila. Sa kabuuan ng sampung araw na inilagi namin roon, mahigit pitong bagong panganak rin ang pumanaw. Masasabi kong maswerte na sila, kesa naman danasin nila ang hirap ng pagbangon muli ng Tacloban.
|
Chapel: Nagsilbing Nursery ng mga bata. Ang mga pasyenteng malapit sa altar ang mga batang nangangailangan ng matinding atensyong medikal. Humigit kumulang 80 na bagong panganak ang pasyente ko sa chapel. | | | | |
|
|
|
|
|
It was good na makabasa ng kwento na mula mismo sa nakapunta na ng Tacloban. I am sure na marami pang interesting stories mula sa ibang volunteers.
ReplyDeleteSalamat Sir! Maraming naipong mga kwento ang mga pinadala tulad namin.
DeleteMukhang diyan sa Tacloban ang Pasko ko. Nakaiskedyul ako na rumelyebo ng Disyembre.
ReplyDeleteAy. Bakit? Seryoso? May ipapadala muli sa amin, baka sa 16 daw. Baka kasama uli kami.
Delete