1. Apat na taon na mula sa araw na ito ng malaman kong isa
akong superhuman. Isang mutant at ganap na karakter sa Xmen. Pangarap kong
maging si Beast dati. Di para maging yummy na borta, kundi para makatuklas ng
bagay na ikasasalba naming mga mutant. Pero ngayon, tanggap ko na ‘di ako
kailanman magiging si Beast. Di ko kayang magpaka-borta at ni wala ako sa
kalingkinan ng katalinuhan niya. Ang natatanging pangarap ko na lang ay maging
si Charles Xavier, yung magtatayo ng foundation para sa mga tulad kong Xmen
especially sa tumatandang mag-isa at wala ng pamilya. Kaso magpapayaman muna
ako para matupad ko ‘to. Ngayon, bilang
di ko pa kayang maging si Beast at Charles Xavier, si Jean Grey na lang muna
ako. Sexy at hot. Handang ma-reborn ng paulit ulit. Laban lang ng laban!
2. Pang-apat. Ikaw ang pang-apat na lalake sa buhay ko.
Pang-apat na kabiyak ko. Pang-apat na taong pinagkatiwalaan ko ng puso. Sa
kabilang banda, ako rin ang iyong pang-apat. Pang-apat na mangingibig.
Pang-apat na pinaglaanan ng tiwala at puso. Sabi mo nga, lagpas apat na taon
kang walang kabiyak at lagpas apat na taon kang naghintay na may dumating sa
buhay mo. Taong 2012 tayo unang nagkakilala, taong 2016 tayo nagka-igihan at
lumalim ang pagkakakilanlan. Apat na taon ang hinintay natin bago tayo
pagbigyan ng universe na magkadaupang palad muli. Kaya ang hiling ko ngayon kay
bathala, sana swertehin tayo sa pang-apat. Sana ang apat ay maging huli na
natin para sa isa’t isa.
3. Apat na buwan ng nakalilipas mula ng huli tayong nagkita. Kung
sakasakali, apat na buwan pa mula ngayong araw na ito bago tayo muling
magkikita at magkakasama. Hindi madali ang mayroon tayo ngayon. Milya milya ang
layo natin sa isa’t isa. Eight hour difference. Sabi nga ni Jireh “dito ay
umaga, diyan ay gabi; oras natin ay magkasalungat”. Pinagusapan at pinag-isipan
naman nating mabuti itong uri ng relasyon na papasukin natin. Bukod sa
sero-discordant e idagdag mo pa ang LDR. Double whammy! Pag sini-swerte nga
naman. Kung hindi lamang sana nagka-aberya ang mga papeles ko e makakasunod na
ako sayo next month. Pero mukhang kailangan pa natin maghintay ng kaunting
panahon pa bago maayos ang mga bagay bagay. Sinusubok tayo ng tadhana, pero
alam nating dalawa na maiaayos natin ito. Na ibibigay sa atin ito. Huwag ka sanang
sumuko. Malampasan sana natin ang lahat. Matiyaga akong maghihintay na matapos
ang nalalabing apat na buwan upang kita’y muling makasama.
4. Apat na beses kong
nakita ang mga katagang “Do not quit. You are almost there”. Apat na beses mula
sa iba’t ibang platform sa magkakaibang lugar ngayong araw. Una sa LRT-2
Katipunan. Pangalawa sa may Gilmore. Pangatlo at pang-apat sa twitter, sa
magkaiba kong account (sila yung unang bumungad sa akin). Nung una at
pangalawang beses ko ‘tong nakita, bumulong ako agad sa langit na pag nakita ko
ito sa pang-apat na pagkakataon hanggang mamaya e may gusto ko pang iparating
sa akin. Na badya mong gulong gulo ang utak ko ngayon at pinanghihinaan na ako
ng loob pero di ako pwede sumuko. Na magiging ayos rin ang lahat. Well, well,
well, mukhang napalakas ang bulong ko at narinig mo nga. Voila! Nahawi ang ulap
at may tumanglaw na liwanag at sa pang-apat na pagkakataon ngayong araw,
bubulong ako sayo ng Salamat!
PS
Ang haba nito para sa unang post ko mula noong huli! It's nice to be back!