Paano magmahal gamit ang limang simpleng paraan?
1. Mahalin mo ang Diyos mo.
Panatilihin ang matibay na pundasyon sa Diyos. Anumang relihiyon ang meron kayo basta tandaan niyo palaging may Diyos at galangin niyo siya. Magsimba o di kaya'y magdasal ng sabay. Humingi parati ng pasasalamat sa kanya sa relasyong ipinagkaloob niya sa iyo. Huwag mo siyang kalilimutan. Aminin na natin na kadalasan kapag may dyowa ka na e limot na bigla ang pagsisimba kay Lord makasama lamang ang dyowa. Huwag ganun. Di'ba nung wala ka pang dyowa e parati ka rin namang humihiling ng maayos na dyowa kay Lord. Isama natin si Lord parati. Matuto kang magtiwala sa kanya.
2. Mahalin mo ang sarili mo.
Ayusin mo ang iyong sarili. Pisikal. Emosyonal. Ispiritwal. Pinansyal. Ibalanse mo lahat ng aspeto. Para kapag nabigo ka e maayos ya parin. Wag kang magmamahal ng hindi ka maayos o yung tipong aayusin ka pa ng susunod na magmamahal sa iyo. Oras na umasa kang may ibang aayos sayo, maaring iwanan ka ng taong umayos na sa iyo or may makita kang iba kapag maayos ka na. O di kaya'y magsawa ang taong pilit kang inaayos. Basta, bottom line, wag mag papaayos sa iba, kasi pag iniwan ka muli, wasak ka naman at di mo pa din alam ayusin ang sarili mo.
3. Mahalin mo ang pamilya mo.
Huwag mong kalilimutang may pamilya kang tunay at lubos na nagmamahal sa iyo bago mo pa makilala ang irog mo. Huwag mo silang kalilimutan dahil masaya ka na. Bagkus, isama mo ang pamilya mo sa pagmamahalan ninyo. Para may pundasyon. Iyon nga lang, may downside ito kung maghiwalay kayo kasi hahanap hanapin siya sa inyo. Pero pakatandaan na ang pinakamahalagang pagmamahal parin ay ang ang pagmamahal ng pamilya. Sila ang daramay sa iyo ano man ang kahinatnatan ng relasyon mo. *Maaring isama na sa depinisyon ng pamilya ang matatalik na kaibigan*
4. Matutong makinig at umunawa.
Ika nga e two-way palagi ang relasyon. Huwag magpataasan ng ihi. Ayusin ang problema bago pa man lumubog ang araw. Iwasan ang palagiang pag-'nag' sa isa't isa. Isipin palagi na hindi na puro 'ako' ang relasyon kung hindi 'tayo'.
5. Matutong magparaya.
Maari itong gamitin sa iba't ibang paraan.
Una, sa pagdedesisisyon ninyong dalawa. Di palaging si 'ikaw' o si 'siya' ang masusunod. Dapat maging patas at magparaya sa mga desisyon na tatahakin ninyong dalawa bilang kayo ngayon ay iisa na.
Pangalawa, Pagpaparaya sa paraang pamamaalam sa relasyon. Bagamat naniniwala ako sa kasabihang 'Breaking up should never be an option'. Minsan may exceptions padin. Kahit na gaano mo kamahal ang isang tao, may pagkakataong kailangan itong gawin upang isalba ang pagkatao ninyong dalawa. Magparaya lalo na kung di na kayang ayusin. Huwag ng pilitin.
Pakatandaan na nariyan ang Diyos at Pamilya mo parati sa Sarili mo! Kaya nga nauna ang tatlong iyan sa mga dapat mong mahalin! Napakahalaga nila upang magsimulang muli. Upang buuin ang sarili.
Cheers!